Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang alas-10:00 ng umaga ang bagyo na tatawaging “Isang”.
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,410 kilometro silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo patungong hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Pero sa ngayon, wala pang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa at Easterlies pa rin ang umiiral na magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa buong bansa.
Facebook Comments