BAGYONG JEBI | DFA kinumpirmang walang Pinoy casualties sa Japan

Kasunod ng pananalasa ng typhoon Jebi sa Japan kung saan nag-iwan ito ng 10 patay at higit sa 300 sugatan.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naitalang Filipino casualties.

Magkagayunman, patuloy ang ginagawang monitoring ng ating Embahada at konsulada sa Japan upang matiyak na nasa ligtas at maayos na kondisyon ang nasa 280,000 na myembro ng Filipino community.


Nakahanda rin ang ating Embahada na umayuda saka-sakaling kailanganin ng ating mga kababayan ng tulong at maaari silang tumawag sa mga numerong +8180 4928 7979 at +8190 4036 7984.

Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DFA sa mga biktima ng bagyo na itinuturing na strongest typhoon sa Japan sa nakalipas na 25 taon.

Facebook Comments