Japan – Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan at sitwasyon ng mga Pilipino sa Japan.
Ito ay makaraang tumama sa Japan ang tinaguriang strongest typhoon sa nakalipas na 25 taon, ang tropical cyclone 1821 (international name: Jebi).
Sa ngayon tuloy ang ugnayan ng DFA sa ating embahada sa Tokyo at sa Philippine Consulate General sa Osaka upang mabatid ang pinakahuling sitwasyon ng nasa 280,000 myembro ng Filipino community sa Japan.
Una nang nagbabala ang ating embahada sa mga Pinoy sa Japan at pinayuhan ang ilan na magsilikas lalo na ang mga nasa Shikoku, Kinki, Tohoku, Tokai at Hokuriku regions na patuloy pa ring hinahagupit ng bagyo.
Nakahanda naman ang ating Embahada at Konsulada sa Japan na magbigay tulong o ayuda sa mga maaapektuhan nating mga kababayan.