Bagyong Jenny, hindi napinsala ang linya at pasilidad ng NGCP

Walang epekto sa linya at mga pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang bagyong Jenny.

Ito ang kinumpirma ng NGCP ngayong umaga base sa rin sa inspeksyon at monitoring nila sa Region 1 at iba pang bahagi ng bansa na nakaramdam ng masungit na panahon.

Tiniyak naman ng NGCP na tuloy-tuloy ang isinasagawa nilang pagbabantay para agad matugunan agad ang anomang problema sa kanilang linya at pasilidad.


Una na rin sinabi ng NGCP na napaghandaan nila ang pagdaan ni bagyong Jenny.

Facebook Comments