PCG Zamboanga del Norte, patuloy na inaapula ang nasusunog na barko

Humina na ang apoy sa nasusunog na ferry sa bahagi ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte.

Ayon kay Lieutenant Junior Grade Cherry Rose Manaay, ang commander ng Zamboanga del Norte Coast Guard, nagliliyab pa rin ang MV Lite Ferry 16 pero humina na ito.

Aniya, mula nang mai-report sa Philippine Coast Guard (PCG) na nasusunog ang barko ay rumesponde ang nasa tatlong barko para tumulong sa rescue operations.


Ang MV Lite Ferry 16 ay galing ng Cebu na papuntang Dapitan City at na i-report na may sunog dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Batay kay Manaay, higit sa 130 ang pasaherong nasagip na at wala namang nasawi sa insidente pero tuluy-tuloy pa rin ang operasyon at pag-apula ng sunog.

Ayon naman kay PCG Commander Armand Balilo, sa initial na impormasyon ay nagmula raw sa makina ang apoy pero iniimbestigahan pa rin nila ito.

Facebook Comments