Bagyong Jenny, lumakas pa sa severe tropical storm category

Isa nang ganap na severe tropical storm ang Bagyong Jenny.

Batay sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa layong 790 kilometers, Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 115 kilometers per hour.


Kumikilos ito pa-Kanluran, Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Bagama’t wala pang tropical cyclone wind signal ang nakataas, magpapaulan naman ito sa bahagi ng Mainland Cagayan, Isabela, Quezon Province kabilang ang Polilio Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar at Eastern Samar.

Inaasahan namang tatahakin ng bagyong Jenny ang direksyon hilagang-kanluran hanggang bukas kaya hindi isinasantabi ang landfall o paglapag nito sa kalupaan.

Posible namang lumakas ito sa typhoon category bukas.

Facebook Comments