Ilagan, Isabela – Bahagyang humina ang bagyong Jolina matapos itong sumadsad sa kalupaan ng Casiguran Aurora bandang 8:15 kagabi.
Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nagtataglay ito ng lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugso ng hanggang 120 kilometro kada oras. Mabilis itong gamagalaw sa bilis na 20 kilometro kada oras ng direksiyong Kanluran Pahilagang Kanluran.
Katamtaman hanggang malakas nama na pag ulan ang idudulot nito sa 300 kilometro palibot mula sa gitna ng bagyo. Inaasahan ang monsoon rains sa Kanlurang bahagi ng Gitna at Timog Luzon samantalang makakaranas ng paminsan minsang malalakas na pag ulan sa iba pang bahagi ng Luzon.
Nananatiling nasa ilalim ng signal number 2 ang labing isang lalawigan ng Isabela, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.
Nasa ilalim naman ng signal number 1 naman ang mga lalawigan ng Aurora, Cagayan kasama ang Babuyan group of islands, Apayao, Nueva Ecija at Pangasinan.
Samantala, sa pinakahuling impormasyon ng 98.5 DWKD RMN News Team mula sa Isabela PDRRMC ay may mga naitala nang 120 pamilya na nagbakwit sa mga coastal towns ng Isabela at kasalukuyan na silang inaasikaso sa mga evacuation centers ng Maconacon, Divilacan at Dinapigue.