Manila, Philippines – Muling lumakas ang bagyong Jolina, matapos itong makatawid sa landmass ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, wala nang gaanong sagabal sa pwersa ng bagyo kaya bumalik sa dati niyong pwersa.
Bumilis din ang bagyo habang tinatahak nito ang pakanluran hilagang kanlurang direksyon sa takbong 24 kilometers per hour.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 km kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang hanging 80 kph at may pagbugsong 95 kph.
Sa ngayon, umiiral na lang ang tropical cyclone signal number one (1) sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Abra.
Facebook Comments