Bagyong Jolina, nag-iwan ng 10 patay sa Eastern Visayas

Umabot sa 10 indibidwal ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Jolina sa Eastern Visayas.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alejandro Solayao at Sonny Ibayan ng Tacloban City; Roy Carcellar ng Cambuhay, Daram, Samar; at Danilo Ogano ng Libucan Dako, Tarangnan, Samar.

Nasawi rin ang 22 anyos na si Marcelo Lolo habang sinasalba ang kanilang cottage sa Barangay Asuncion, Maasin City, Southern Leyte.


Wala na ring buhay ng makita ang mga mangingisdang sina Ryan Jerusalem ng Barangay Majacob at Mark Jhun Nierras ng Daram, Samar at Bienvenido Marquez ng Catbalogan City.

Sa Sto. Niño, Samar, dalawa rin ang nasawi na kinilalang sina Joseph Imnas at Benedicto de Paz na kapwa residente ng Barangaya Diit, Tacloban City.

Pitong crew members naman ang nasagip sa Barangay Buluan gayundin ang 50 mangingisda na una nang nawala sa iba’t ibang lugar sa Leyte at Samar provinces.

Facebook Comments