Pangulong Duterte, humiling pa ng mas mahabang panahon sa mga health workers sa pamamahagi ng kanilang benepisyo

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga health workers na bigyan pa sila ng sapat na oras para ipamahagi ang mga nakabinbing benepisyo.

Ayon kay Duterte, kung sapat lamang ang pera ng bansa ay maibibigay agad ng gobyerno ang mga pangangailangan ng health workers.

Pero paliwanag ng pangulo, hirap din ang bansa na humanap ng pondo dahil sa limitadong oras at panahon ngayong pandemya.


Samantala, humingi naman ng tawad si Duterte sa mga taong naniniwala na nagkulang ang kaniyang administrasyon sa mga isinasagawang COVID-19 response.

Giit nito, ginawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya sa pagsugpo sa pandemya.

Facebook Comments