Bagyong Jolina, Nag Landfall Na

Bumangga na sa kalupaan ang bagyong Jolina.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at sa karagdagang impormasyon na nakalap ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team mula sa Isabela PDRRMC, ang bagyo ay nag landfall ng eksaktong 8:15 ng gabi, Agosto 25, 2017 sa Casiguran, Aurora

Napanatili nito ang lakas ng hangin na 80 kilometro kada oras at pagbugso ng hangin na hanggang 95 kilometro kada oras. Gumagalaw ito ng Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras sa direksiyong papuntang Nueva Viscaya.


Ang mga lugar na nasa ilalim ng signal number 2 ay mga lalawigan ng Isabela, Aurora, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.

Samantalang mga nasa ilalim ng signal number 1 ay ang mga lalawigan ng Cagayan kasama ang Babuyan group of islands, Apayao, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Pangasinan, Northern Quezon kasama ang Polillo island at Camarines Norte.

Makakaranas naman ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang malaking bahagi ng Luzon ngayong gabi ng Agosto 25, 2017.

Nananatiling naka alerto ang PDRRMC ng Isabela ngayong magdamag at hanggang makaalpas ang bagyong Jolina sa lalawigan sa posibleng maging epekto nito sa mga pananim na palay at mais dulot ng baha mula sa posibleng pag apaw ng Cagayan River.


Facebook Comments