Nag-landfall na ang bagyong Jolina sa bahagi ng Dimasalang, Masbate at patungo na ngayon ng mainland Masbate.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Dimasalang, Masbate.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 150 kilometro kada oras.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo na nasa 15 kilometro kada oras lamang patungong kanluran, hilagang kanluran.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No 3 sa mga sumusunod:
Dulong katimugang bahagi ng Quezon
Masbate
Kanlurang bahagi ng Albay at Sorsogon
Hilagang kanlurang bahagi ng Samar
Dulong kanlurang bahagi ng Northern Samar
At hilagang bahagi ng Biliran
Signal no 2 naman ang mga sumusunod
Gitna at katimugang bahagi ng Quezon
Timog-silangang bahagi ng Batangas
Kanlurang bahagi ng Camarines Norte
Kanluran at katimugang bahagi ng Camarines Sur
Marinduque
Nalalabing bahagi ng Albay, Sorsogon
Silangang bahagi ng Romblon
Kanlurang bahagi ng Eastern Samar
Hilagang bahagi ng Samar
Leyte at nalalabing bahagi ng Biliran
Signal no. 1 sa
Nueva Ecija,
Timog silangang bahagi ng Nueva Vizcaya
Katimugang bahagi ng Aurora
Bataan,
Tarlac,
Pampanga,
Bulacan,
Metro Manila,
Rizal,
Laguna,
Cavite,
Nalalabing bahagi ng Batangas,
Nalalabing bahagi ng Romblon,
Oriental Mindoro
Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro
Eastern Samar,
Nalalabing bahagi ng Samar,
Nalalabing bahagi ng Northern Samar,
Hilagang bahagi ng Cebu
Hilagang bahagi ng Negros Occidental
Hilagang bahagi ng Iloilo
Capiz
at Aklan
Dahil dito, asahan ang mga malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin sa mga nabanggit na lugar.