Manila, Philippines – Malaking ginhawa ang Bagyong Jolina sa sektor ng agrikultura sa Northern Luzon.
Ito ang binigyang diin ni Agriculture Secretary Manny Piñol batay na rin sa kanyang natanggap na report mula sa mga tauhan ng ahensya sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).
Inihalimbawa ni Piñol ang ulat ni DA-Region 2 Director Narciso Edillo na nagsabing nakatulong pa nga ang ulang dala ng bagyo sa pananim ng mga magsasaka sa naturang rehiyon.
Kung ito ay magpapatuloy, positibo ang kalihim na lalo pang lalago ang produksyon ng agrikultura ng bansa sa kabila ng bagyo.
Sa DA report kamakailan, nakapagrehistro ng 5.77% na paglakas sa Agriculture production ang Pilipinas sa unang 6 na buwan ng taon.
Facebook Comments