Bagyong Julian, bahagyang lumakas habang nasa gitna ng Philippine Sea

Bahagya pang lumakas ang Severe Tropical Storm Julian habang nananatili sa gitna ng Philippine Sea.

Huli itong namataan sa layong 800 kilometer sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometer per hour (km/h) malapit sa gitna at may pagbugsong 125 km/h.


Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Julian sa Lunes ng gabi, Agosto 31.

Wala namang direktang epekto ang bagyo sa anumang parte ng bansa pero makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang silangang bahagi ng Luzon.

Magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa pero asahan pa rin ang localized thunderstorm sa hapon o sa gabi.

Facebook Comments