MANILA – Lalo pang lumakas ang bagyong “Julian” na may international name na “Aere” na kasalukuyang tinutumbok ang hilagang bahagi ng Luzon ngayong umaga.Sa interview ng RMN kay PAGASA Weather Forecaster Benson Estrajera, sinabi nito na taglay ng bagyong ‘Julian’ ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso na nasa 120 kph.Huling namataan ang bagyo sa layong 70 kilometro sa Timog-Silangan ng Basco, Batanes at kumikilos sa bilis na 22 kph sa direksiyon na pakanluran.Nakataas pa rin tropical cyclone warning signal number 2 sa Batanes at Babuyan Group of Islands habangSignal no. 1 ang iba pang bahagi ng Northern Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.May tyansa din ng pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa habagat.Inaasahang lalabas si Bagyong Julian sa Philippine Area of Responsibility sa loob ng 24-oras.
Bagyong Julian, Lalo Pang Lumakas – Signal Number Nakataas Na Sa Batanes At Babuyan Group Of Islands
Facebook Comments