BAGYONG JULIAN MULING PAPASOK SA PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY; LALAWIGAN NG ISABELA, NANANATILING SIGNAL NO. 1

Cauayan City – Muli nanamang papasok sa Philippine Area of Responsibility si Bagyong Julian ngayong ikalawang araw ng Oktubre ayon sa PAGASA.

Kasunod ng muling pagpasok nito sa PAR ay posible rin itong maglandfall sa bansang Taiwan.

Samantala, nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang nothern at western portion ng lalawigan ng Isabela na kinabibilangan ng bayan ng Cabagan, Tumauini, Ilagan City, Sto. Tomas, Delfin Albano, Alicia, San Mateo, Aurora, Quezon, Ramon, Naguilian, Roxas, Luna, Cauayan City, Angadanan, Santiago City, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Gamu, San Isidro, Mallig, Cordon, Burgos, Maconacon, San Pablo, Sta. Maria, at Benito Soliven.


Dahil dito, mahigpit pa ring ipinatutupad ang Liqour Ban Policy sa buong lalawigan ng Isabela.

Pinag-iingat rin ng mga awtoridad ang publiko lalo na ang mga nagmamaneho ng sasakyan dahil sa madulas na daan dulot ng nararanasang mga pag-ulan.

Facebook Comments