MANILA – Nagtaas na ng alerto ang National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) sa harap ng banta ng bagyong Karen.Nitong Miyerkules, nagpulong na ang pre-disaster risk assessment core group ng NDRRMC na dinaluhan ng mga tauhan ng PAGASA, DSWD, DILG, DPWH, DEPED, DOH, AFP at PNP.Nagsagawa na rin ng tele-conference ang NDRRMC para sa kinatawan ng Office Of The Civil Defense sa Region 1, 2, 3, 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).Inatasan na rin ng NDRRMC ang lahat local at regional risk reduction and management council na maghanda sa bagyo.Binalaan na rin ng OCD at NDRRMC ang mga naninirahan sa mga mababang lugar na maging alerto sa posibilidad ng pagbaha habang inalerto na rin ang mga nasa gilid ng bundok sa posibilidad ng pagguho ng lupa.
Bagyong Karen, Lumakas Habang Nagbabanta Sa Luzon… Signal Number 1, Itinaas Na Sa Tatlong Lalawigan
Facebook Comments