Bagyong Kristine, napanatili ang lakas at nakatakdang mag-landfall sa Isabela anumang oras

Batay sa 11:00 PM bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa baybayin ng Palanan, Isabela.

May lakas ang hangin nitong aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 130 kilometers per hour.

Patuloy itong kumikilos pa–Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.


Nakataas ang Signal Number 3 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• southern portion ng Abra
• Benguet
• northern at central portions ng Aurora
• northern portion ng Nueva Ecija
• northern portion ng Tarlac
• northern portion ng Zambales
• Pangasinan
• La Union
• central at southern portions ng Ilocos Sur

Narito naman ang mga lugar na isinailalim sa Signal Number 2:
• Ilocos Norte
• Natitirang bahagi ng Ilocos Sur
• Apayao
• Natitirang bahagi ng Abra
• Cagayan including Babuyan Islands
• Natitirang bahagi ng Aurora
• Natitirang bahagi ng Nueva Ecija
• Bulacan
• Natitirang bahagi ng Tarlac
• Pampanga
• Natitirang bahagi ng Zambales
• Bataan
• Metro Manila
• Cavite
• Laguna
• Rizal
• Batangas
• northern at central portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands
• northwestern portion ng Camarines Norte

Signal Number 1 naman sa mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Natitirang bahagi ng Quezon
• Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands
• Oriental Mindoro
• Marinduque
• Romblon
• northern portion ng mainland Palawan
• Cuyo Islands
• Calamian Islands
• Natitirang bahagi ng Camarines Norte
• Camarines Sur
• Albay
• Sorsogon
• Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands

Facebook Comments