Napanatili ng Typhoon Kristine ang lakas nito habang nasa karagatan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,135 kilometers silangan – hilagang silangan ng dulong hilagang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 240 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Benison Estareja, walang direktang epekto ang bagyo sa bansa.
Asahan ang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa halos buong Luzon dulot ng localized thunderstorms.
Magiging mainit at maalinsangan sa tanghali sa Visayas at Mindanao lalo na sa Iloilo, Zamboanga at Davao.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi at tutumbukin ang southern Japan at Korean Peninsula.