Bagyong Lannie, napanatili ang lakas habang nasa coastal waters ng Cuyo Island; Signal No. 1, nakataas pa rin sa pitong lugar sa bansa

Napanatili ng bagyong Lannie ang lakas nito habang nasa coastal waters ng Cuyo Island.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (km/h) at pagbugsong aabot sa 55 km/h at kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Sa ngayon, dahil sa bagyo ay nakataas pa rin ang Signal Number 1 sa;


Luzon

– southwestern portion of Romblon=
– southern portion of Oriental Mindoro
– southern portion of Occidental Mindoro
– northern portion of Palawa kasama na ang Calamian at Cuyo Islands

Visayas

– Antique
– western portion of Aklan
– southwestern portion of Iloilo

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng tanghali o gabi.

Facebook Comments