MANILA – Itinaas na ng pagasa ang tropical cyclone signal number 5 sa Cagayan at Isabela kasabay ng pagdedeklara sa bagyong Lawin bilang isang “supertyphoon”.Lalo pang lumakas ang bagyo taglay ang hanging aabot sa 225 kilometer per hour at pagbugsong aabot naman sa 315 kph.Bahagya namang bumagal ang galaw ng bagyo na 24 kph patungo sa direksyong west northwest.Huling natukoy ang sentro o mata ng bagyong Lawin sa 300 km east ng Casiguran, Aurora.Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa pagitan ng alas onse nang gabi hanggang alas dos nang madaling araw sa Cagayan-Isabela Area.Samantala, nakataas na ang tropical cyclone warning signal number 4 sa Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands.Signal number 3 naman ang La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.Signal number 2 ang Batanes Group of Islands, Pangasinan, Rest of Aurora, Tarlac Nueva Ecija, Northern Zambales, At Northern Quezon kabilang na ang Polilio Islands.Habang nasa signal number 1 naman ang iba pang bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, iba pang lugar sa Quezon Province, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.
Bagyong Lawin, Idineklara Nang ‘Supertyphoon’ – Tropical Cyclone Signal Number 5, Itinaas Na Sa Cagayan At Isabela
Facebook Comments