Tatlong Bilyong Dolyar Na Halaga Ng Imprastraktura , Planong Ilagak Sa Bansa Ng China Sa Susunod Na Taon

10

MANILA – Aabot 3 bilyong dolyar na halaga ng imprastraktura ang balak ng China Railway Group Ltd. na ilagak sa bansa sa susunod na taon.Isa ang kasunduang ito sa mga nakapilang maisapinal sa apat na araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.Nakatakda ang state-owned company na pumasok sa isang kasunduan sa isang grupo mula sa Pilipinas para sa large-scale infrastructure projects na isasailalim ng administrasyon sa public-private partnership framework.Magugunitang isa sa mga pangunahing proyekto ng Administrasyong Duterte ay ang pagsusulong sa mga investors ng isang malaking Mindanao railway system.SA ilalim ng nasabing proyekto, binabalak na pagdugtungin ang mga lungsod ng Cagayan De Oro, Iligan, Zamboanga, Butuan, Surigao, Davao at General Santos.Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng accessibility sa mga isla sa Mindanao na magpapadali ng transportasyon.

Facebook Comments