Mataas ang tiyansang lumakas pa ang tropical depression ‘Liwayway.’
Huling namataan ang bagyo sa layong 325 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo north-northwest sa bilis na 25 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – mababa ang tiyansang tumama ng kalupaan ang bagyo.
Pero asahan ang kalat-kalat na pag-ulan na may kulog at kidlat sa Bicol region, buong Kabisayaan, Northern Mindanao at Caraga.
Ang kanlurang bahagi ng Luzon ay apektado ng hanging habagat partikular sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
Facebook Comments