MANILA – Napanatili ng bagyong Marce ang kanyang lakas habang kumikilos ng pakanluran sa direksyon ng Mindanao.Ayon sa PAGASA, huling nakita ang sentro ng bagyo 365 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.Kumikilos ito ng 17 kilometro bawat oras.Taglay ng bagyong Marce ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at pagbugso aabot sa 55 kph.Inaasahang tatama sa kalupaan ng Surigao Del Norte ang bagyo mamayang gabi at tutumbukin ang Bohol, Cebu, Probinsya Ng Negros, Iloilo, Antique, Coron at Palawan.Nakataas naman ang signal number one sa Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Occidental, Surigao Del Norte kasama ang Siargao Island, Surigao Del Sur, Dinagat Island, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Misamis Oriental At Camiguin.Ang mga nabanggit na lugar ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.Dito sa Metro Manila, mataas din ang tyansa ng ulan sa buong maghapon.Sunrise – 5:24amSunset – 5:24pm
Bagyong Marce, Napanatili Ang Lakas – Ilang Bayan, Isinailalim Sa Storm Signal Mindanao
Facebook Comments