Bagyong Marilyn, inaasahang lalakas pa bilang tropical storm

Malawak na kaulapan na may dalang ulan ang binubuo ng sirkulasyon ng tropical depression Marilyn.

Huling namataan ang bagyo sa 1,060 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Napanatili nito ang lakas sa 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong nasa 75 kph.


Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – nagsisimula nang hatakin ng bagyo ang hanging habagat.

Ang buong Luzon kasama ang Metro Manila ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan.

Mababa ang tiyansang mag-landfall ang bagyo pa ito pero lalakas pa ito sa susunod na 36 na oras.

Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo.

Facebook Comments