Manila, Philippines – Patuloy na lumalayo ang tropical storm Maring na papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 270 kilometers West Northwest ng Iba, Zambales.
Mayroon itong lakas na hanging aabot sda 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanlunran – hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Wala nang nakataas na storm warning signals sa alinmang bahagi ng bansa.
Inaasahang lalabas ang bagyong maring bukas ng madaling araw.
Kasabay nito, asahan na lamang ang maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-ulan sa MIMAROPA, Zambales, Bataan at Batangas habang unti-unti nang gaganda ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Delikado pa ring maglayag sa mga baybayin ng Central at Southern Luzon.
Samantala, ang bagyong Lannie naman ay huling namataan sa layong 610 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes.
*Sunrise: 5:44 ng umaga*
*Sunset: 5:59 ng gabi*