Clearing operation ng sa mga gusaling inukopa ng Maute terrorist group, bumilis – AFP

Manila, Philippines – Bumilis ng bahagya ang ginagawang clearing operation ng militar sa mga gusaling inuukopa ng teroristang Maute group sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay AFP Spokesman Brig General Restituto Padilla, kamakalawa lamang ay dalawamput tatlong gusali ang na clear mula sa mga terorista at sa mga Improvised Explosive Device.

Labing walong gusali naman ang na clear noong Sabado.


Samantala, Pumalo na sa 660 ang bilang ng mga terorista na nasawi dahil sa patuloy na nagaganap na giyera sa Marawi City.

Aabot na rin sa 685 na ng matatas na kalibre ng baril ang narerekober ng military.

Habang nanatili sa 45 ang bilang ng mga sibilyang nasawi dahil sa giyera.

Facebook Comments