Bagyong Maring, patuloy ang paglapit sa extreme northern Luzon, signal no. 2 nakataas sa siyam na lugar

Patuloy ang pagkilos ng bagyong maring papalapit sa bahagi ng extreme northern Luzon.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro nito sa layong 350 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.

Nasa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna ang taglay na lakas ng hangin ng bagyo habang may pagbugso itong aabot sa 105 kilometro kada oras.


Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.

Nakataas naman ang wind signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

─ Batanes
─ Cagayan
─ Northern portion ng Isabela
─ Apayao
─ Kalinga
─ Mountain Province
─ Abra
─ Ilocos Norte
─ At Ilocos Sur

Signal no. 1 naman sa

─ Nalalabing bahagi ng Isabela,
─ Nueva Vizcaya
─ Quirino
─ Ifugao
─ Benguet
─ La Union,
─ Pangasinan
─ Aurora
─ Nueva Ecija
─ Tarlac
─ Zambales
─ Pampanga,
─ Bulacan
─ Northern portion ng Bataan
─ Northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo at Calaguas Islands

Asahan naman ang maulap na maghapon na may minsang pag-ulan dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Facebook Comments