Bagyong Nika, lumakas pa bilang tropical storm; signal number 1, nakataas na sa ilang lugar sa Luzon

Lumakas pa bilang tropical storm ang Bagyong Nika.

Sa huling pagtaya ng DOST-PAGASA as of 5:00pm, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,005 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 80 kilometro kada oras.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 35 kilometers per hour.

Nakataas na ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Timog-silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue)
• Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan),
• Timog-silangang bahagi ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan)
• Pollilo Islands
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Catanduanes
• Hilagang-silangang bahagi ng Albay (Malinao, Tiwi, City of Tabaco, Bacacay, Malilipot, Rapu-Rapu)

Ayon naman sa PAGASA, posibleng magtaas ng hanggang signal number 3 sa ilang lugar sa bansa sa mga susunod na araw.

Facebook Comments