Bagyong Nimfa, bumilis habang papalabas ng PAR

Lumihis mula sa orihinal na tinatahak na direksyon ang tropical storm Nimfa.

Ang bagyo ay namataan sa layong 580 kilometers silangan, hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 kph.


Bumilis ito sa 25 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – tutumbukin nito ang Taiwan area.

Dahil pakanluran ang kilos ng bagyo ay mas palalakasin nito ang hanging habagat na magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon lalo na sa Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa.

Sa Visayas at Mindanao, maganda ang panahon sa umaga pero posibleng umulan sa dakong hapon o gabi.

Facebook Comments