Libo-libong Cauayeño, Nakiisa sa Alay Lakad 2019!

40

*Cauayan City, Isabela-* Matagumpay na naidaos ang ‘Ben Walk for a Cause’ o Alay lakad sa Lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng aktibidad ng yumaong dating mayor ng lungsod na si Ben Dy.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng PNP, BFP, TOG2-AirforceGreen Ladies Organization, mga kawani at opisyal ng LGU at ilang mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Garry Galutera, Chairman ng Committee on Education, tinatayang aabot sa mahigit kumulang 5 libong katao ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

Aniya, layunin ng ‘Ben Walk for a Cause’ na makalikom ng pondo para sa zero out of school youth sa Lungsod ng Cauayan.

Nagpapasalamat naman si Coun. Galutera sa lahat ng nakibahagi sa nasabing aktibidad at malaking tulong aniya ang nalikom na pondo para sa pagbibigay tulong sa mga pangangailangan ng mga kabataan sa lungsod.

Facebook Comments

From Advertisers