Posibleng lumakas pa ang tropical depression Ninfa.
Huling namataan ang bagyo sa layong 670 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – mababa ang tiyansang mag-landfall ang bagyo pero hahatakin nito ang hanging habagat na makakaapekto sa Luzon.
May kalat-kalat na pag-ulan sa Western Visayas habang maaliwalas ang panahon sa buong Mindanao.
Mayroon ding shallow Low Pressure Area (LPA) na nasa bisinidad ng San Jose, Tarlac at posibleng tumawid ng gitnang Luzon.
Samantala, nagsuspinde na ng klase sa mga sumusunod na lugar dahil sa nararanasang masamang panahon.
All Levels
Aguilar, Pangasinan
Bugallon, Pangasinan
Mangatarem, Pangasinan
Macabebe, Pampanga
Iloilo City
Pre-School – Senior High School
Aparri
Iloilo City