Bagyong Odette, Bahagyang humina, habang kasalukuyang nasa Panay Gulf

166

Bahagyang humina ang Bagyong Odette habang nasa bahagi na ngayon ng Panay Gulf.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 75 kilometro timog-kanluran ng Iloilo City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 235 kilometro kada oras.


Mabilis pa rin ang pagkilos ng bagyo pa-kanluran na nasa 35 kilometro kada oras.

Sa kasalukuyan, nakataas ang signal no. 3 sa mga sumusunod:

  • Northern portion ng Palawan kabilang ang Cagayancillo at Cuyo islands
  • Guimaras
  • Southern portion ng Iloilo
  • Southern portion ng Antique
  • Central at southern portions ng Negros Occidental
  • Central portion ng Negros Oriental

Signal no. 2 naman sa:



  • Southern portion ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro
  • Romblon
  • Southern portion ng Masbate
  • Central portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan at Calamian Islands
  • Aklan
  • Capiz
  • Nalalabing bahagi ng Antique
  • Nalalabing bahagi ng Iloilo
  • nalalabing bahagi ng Negros Oriental
  • Nalalabing bahagi ng Negros Occidental
  • Cebu
  • Siquijor
  • At western portion of Bohol

Samantala, nasa ilalim ng signal no. 1 ang:

  • Catanduanes
  • Camarines Norte
  • Camarines sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Nalalabing bahagi ng Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands
  • Marinduque
  • Southern portion ng Quezon
  • Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands
  • Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
  • Nalalabing bahagi ng Palawan
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Northern Samar
  • Biliran
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Nalalabing bahagi ng Bohol
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Agusan del Norte
  • Misamis Oriental
  • Camiguin
  • Lanao del Norte
  • Misamis Occidental
  • Hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte
  • At hilagang bahagi ng Zamboanga del Sur
Facebook Comments