Panibagong batch ng shoebox project ng RMN, aarangkada ngayong araw

31

Muling aarangkada ngayong araw ang panibagong batch ng ating shoebox project kung saan pangungunahan ito ng 93.9 iFM Manila at RMN Foundation Inc.

Handog pa rin ito ng “Makakarating Ngayong Pasko, The RMN Christmas Thanksgiving Activity”.

Pasasayahin natin ngayong araw ang mga bata sa Jardin de Maria (Somascan Missionary Sisters Foundation Incorporated sa Bacoor, Cavite.


Nasa 50 kabataan naman ang mabibigyan ng shoebox na may lamang snacks, school supplies at personal hygiene products.

Ang “makakarating ngayong pasko, the rmn christmas thanksgiving activity” ay hatid ng RMN Networks, RMN Foundation INC, 93.9 iFM at inyong DZXL 558 Radyo Trabaho

Nagpapasalamat din tayo sa ating sponsors… sa Metrobank, Inner Wheel Club of Las Piñas (IWCLP) & Environs at Las Piñas Dental Chapter (LPDC).



Samantala, pagkatapos ng gift giving mamayang hapon ay lalagda sa unang pagkakataon ng Memorandum of Agreement ang rmn foundation sa Inner Wheel Club of Las Piñas (IWCLP) & Environs at Las Piñas Dental Chapter (LPDC) upang mas mapalawak pa ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa ating mga kababayan.

Sa susunod na linggo, abangan ninyo ang RMN Foundation sa Quezon City para ituloy ang paghahatid ng saya…, at sa pagkakataong ito, mga person with disabilities ang susorpresahin


Facebook Comments