Bagyong Odette, napanatili ang lakas habang papalapit sa karagatan ng CARAGA

Napanatili ng Bagyong Odette ang lakas nito habang patungo sa karagatan ng CARAGA region.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 410 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 170 kilometro kada oras.


Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Samantala, nananatili naman ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3 sa:

Southern Leyte
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Northern portion ng Agusan del Norte
At northern portion ng Surigao del Sur

Signal no. 2 naman sa:

Southern portion ng Masbate
Central at southern portions ng Eastern Samar
Central at southern portions Samar
Biliran
Leyte
Cebu
Bohol
Negros Oriental
Siquijor
Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Southern portion ng Antique
Nalalabing bahagi ng Surigao del Sur
Nalalabing bahagi ng Agusan del Norte at Agusan del Sur
Northern portion ng Bukidnon
Misamis Oriental
Camiguin,
Extreme northern portion ng Misamis Occidental at ng Zamboanga del Norte

Samantala, signal no. 1 ang nakataas sa:

Catanduanes
Camarines sur
Albay
Sorsogon
Nalalabing bahagi ng masbate
Marinduque
Romblon
Southern portion ng Quezon at ng Batangas
Oriental Mindoro at Occidental Mindoro
Northern at central portions ng Palawan
Northern Samar
Nalalabing bahagi ng Eastern Samar at Samar
Aklan
Antique
Capiz
Nalalabing bahagi ng Iloilo
Northern portion ng Davao Oriental, Davao de Oro at Davao del Norte
Nalalabing bahagi ng Misamis Occidental
Central portion ng Bukidnon
Northern portion ng Lanao del Norte at Lanao del Sur

Facebook Comments