KATAWAN NG PILOT INSTRUCTOR, NASUNOG KASABAY NG PAGBAGSAK NG PINAPALIPAD NA EROPLANO SA ALAMINOS CITY; STUDENT PILOT, SUGATAN

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Dead on the spot ang isang pilot instructor matapos bumagsak ang minamaneho nitong training plane sa isang palaisdaan sa Brgy. Telbang.

Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Capt Daryl Uy na 70% ng kaniyang katawan ang nasunog, dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Sugatan naman ang student pilot na kasama nito na kinilalang si Caran France Caura, 21 anyos na residente ng Brgy. Pagkakaisa, San Narciso Quezon Province matapos tumalon sa eroplano.


Ayon kay PANGPPO PCOL Richmond Tadina, agad na naitakbo sa hospital ang estudyante na nasa mabuti ng kalagayan.

SA inilabas naman na impormasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naturang eroplano ay CESSNA 152.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nangyaring insidente. | ifmnews

Facebook Comments