Bagyong Onyok, lalo pang lumakas

Lalo pang lumakas ang bagyong “Onyok” habang tinatahak ang direksyong hilagang-kanluran ng Philippine Sea.

 

Huli itong namataan sa layong 500 kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

 

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour at pagbugsong 125 kph. Kumikilos ito sa bilis na 15 kph.


 

Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

 

Asahan din ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa ilang bahagi ng Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Quezon, Nueva Ecija, at batangas sa loob ng dalawang oras.

 

Samantala ayon sa PAGASA – mababa lang ang tiyansa na mag-landfall sa bansa ang bagyo.

Facebook Comments