Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Onyok.
Huling namataan ang bagyo sa layong 675 kilometers hilaga ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 140 kilometers per hour at pagbugsong 170 kph.
Nasa 30 kph ang bilis nito at kumikilos pahilaga.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – kahit nakalabas na ang bagyo, patuloy na uulanin ang hilagang bahagi ng Luzon.
Ang natitirang bahagi ng Luzon, buong Visayas at buong Mindanao ay maaliwalas ang panahon maliban sa localized thunderstorms.
Facebook Comments