Mga coaching staff ng Gilas, kilalanin!

Pinangalanan na ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang kanyang mga makakasamang coaching staff para sa nalalapit na Sea Games.

Ito ay sina dating Gilas captain Jimmy Alapag, Gilas assistant coach Jong Uichico at Ginebra forward Joe Devance.

Pagliwanag ni Cone – makakatulong sila lalo na si Alapag dahil expose siya sa ASEAN Basketball League kung saan kasali ang ilang makakaharap ng Gilas sa Sea Games.


Malawak din ang kaalaman ni Uichico pagdating sa international play.

Familiarity naman ang maiaambag ni Devance.

Facebook Comments