Bagyong Pepito, nakatawid na ng kabundukan ng Hilagang Luzon at nasa bahagi na ng Lingayen Gulf

Nakatawid na ng kabundukan ng Hilagang Luzon ang Tropical Storm Pepito at nasa bahagi na ng Lingayen Gulf.

Nabatid na nag-landfall ang bagyo sa bahagi ng San Ildefonso Peninsula sa Casiguran, Aurora, alas-9:00 kagabi.

Huling namataan ang bagyo sa layong 40 kilometers Hilaga, Hilagang Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.


Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 115 km/hr.

Kumikilos ito sa direksyong Kanluran, Hilagang Kanluran sa bilis na 30 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:

SIGNAL NUMBER 2

  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Benguet
  • Tarlac
  • Hilagang bahagi ng Zambales

SIGNAL NUBER 1

  • Ilocos Norte
  • Kalinga
  • Abra
  • Ifugao
  • Mountain Province
  • Katimugang bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Aurora
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Natitirang bahagi ng Zambales
  • Bataan

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang lalakas ang bagyo pagkalapag nito sa West Philippines Sea at susunod na tutumbukin ang Vietnam.

Magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Pangasinan, La Union, Apayao, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Calamian Islands.

Mayroon namang mahihina hanggang sa katamtaman na may minsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o hapon.

Samantala, may isang Tropical Depression na binabantayan sa labas ng PAR na nasa 1,880 kilometers Silangan, Hilagang Silangan ng Dulong Hilagang Luzon.

Mayroon itong lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 km/hr at halos hindi gumagalaw sa kinaroroonan nito.

Sa ngayon, mababa ang tiyansang pumasok ito sa bansa.

Facebook Comments