Bagyong Perla, lumakas pa bilang tropical storm

Lumakas pa at ganap ng tropical storm ang bagyo Perla.

Huling namataan ang bagyo sa layong 790 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Mayroon itong lakas ng hanging aabot na sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kph.


Halos hindi gumalaw ang bagyo sa kinalalagyan nito.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – lalapit lamang ito ng bahagya sa kalupaan pero malabo ang tiyansang tumama.

Kaya asahan ang makulimlim na panahon sa Batanes at Cagayan Valley na may mahihinang ulan.

Ang natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila ay maaliwalas ang panahon.

May kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Facebook Comments