Bagyong Quedan, nakapasok na sa PAR

Manila, Philippines – Patuloy na tumatawid ng Ph*i*lippine sea ang tropical storm ‘Quedan’.

Huli itong namataan sa layong 1,250 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.

Napanatili nito ang lakas at pagbuso ng hangging aabot sa 80 at 95 kilometers per hour.


Napanatili din nito ang bilis sa 21 kilometers per hour at kumikilos pa-hilagang silangan.

Posibleng lumabas ang bagyo sa araw ng Sabado.

Ang buntot o trough ng bagyo at ang Intertropical Convergenze Zone ang nakakaapekto sa bansa.

Sa Luzon, asahan ang mahihinang pag-ulan sa MIMAROPA at Bicol Region pati na rin sa lalawigan ng Aurora at Quezon.

Buong Visayas ay asahan din ang maulang panahon lalo na sa Cebu, Samar at Leyte.

Maulang panahon sa Zamboanga, Sulu, ARMM at CARAGA Region.

Facebook Comments