Surprise checkpoints at police visibility pinalakas ng City PNP

Mas pinalakas pa ng cotabato city police office ang kanilang surprise chokepoint at police visibility sa mga lansangan ng lungsod.
Kapansin-pansin ang pagdeploy ni City PNP Director PS/Supt.Rolly Octavio sa mga main thoroughfare ng siyudad at nilagyan narin ng pulis ang mga short cut na daan tulad sa likod ng Sero Elementary School at Ramon Rabago extension malapit sa DPWH-12 office kung saan doon nangyari ang robbery hold-up sa mga kawani ng DENR-ARMM.
Inatasan din nito ang mga precinct commander na desk officer lang maiwan sa police station at ipa-patrolya ang mga personnel..Ito ang naging hakbang ni Col.Octavio dahil sa mga sunod-sunod na insedente ng pamamaril..

Facebook Comments