Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang Bagyong Quedan na huling namataan sa layong 740 kilometers sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kilometers per hour mula sa gitna at may pagbugso na aabot sa 120 kilometers per hour.
Ang nasabing bagyo ay patuloy na kumikilos pahilaga sa bilis na 23 kilometers per hour at inaasahang posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
Magdala naman na ng payong ang mga magbabakasyon o dadalaw sa mga puntod sa Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga na posibleng makaranas ng pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Gayundin ang mga nagpaplanong mamasyal at bumista sa sementeryo sa Metro Manila at iba pang lugar ng bansa dahil makakaranas ng maulap na may bahagyang pag-ulan at pagkidlat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila, 25 hanggang 32 degrees Celsius.
Sunrise: 5:50am
Sunset: 5:29pm