Naghahatid na ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon ang tropical storm ‘Quiel.’
Huling namataan ang bagyo sa layong 445 kilometers kanluran – timog kanluran ng Subic, Zambales.
Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 10 kph sa direksyong timog silangan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – hindi naman inaasahang tatama ng kalupaan ang bagyo.
Nakataas naman ang yellow heavy rainfall warning sa Zambales.
Dahil sa epekto ng tail-end of cold front, may kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera.
Sa Metro Manila, Bataan, Zambales, Calabarzon at Mimaropa ay asahan din ang mga pag-ulan dulot ng epekto ng bagyo.
Maganda ang panahon sa Central at Eastern Visayas, at sa buong Mindanao.