Bagyong Quiel, nakalabas na ng PAR; 4 na tao, iniwang patay sa Cagayan

Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang typhoon Quiel.

Huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometers kanluran ng Coron, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 150 kph.


Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – tanging nakaka-apekto sa bansa ay ang tail-end of cold front kaya asahan pa rin ang mga pag-uulan sa hilagang Luzon.

Kaugnay nito, umakyat na sa apat ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Quiel sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Cagayan PDRMMO Chief Atanacio Macalan – isinailalim na sa state of calamity na ang lalawigan dahil lubog pa rin sa baha ang ilang bayan.

Patuloy ang rescue operations sa mga residenteng na-trap sa bubungan ng kanilang bahay dahil sa baha.

Facebook Comments