Bagyong Quinta, nakatawid na ng Bondoc Peninsula

Nakatawid na sa Bondoc Peninsula sa Southern Quezon ang Typhoon Quinta.

Una nag-landfall ang bagyo sa San Miguel Island, Tabaco City, Albay, sinundan ito ng ikalawang landfall sa Malinao, Albay at ikatlo sa San Andres, Quezon.

Huling namataan ang bagyo sa coastal waters ng Torrijos, Marinduque.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers per hour at pagbugsong nasa 165 km/hr.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod na lugar:

SIGNAL NUMBER 3:
Camarines Norte
Kanlurang bahagi ng Camarines Sur
Burias Island
Katimugang bahagi ng Quezon
Batangas
Katimugan at Silangang bahagi ng Laguna
Hilagang bahagi ng Romblon
Marinduque
Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)

SIGNAL NUMBER 2:
Catanduanes
Natitirang bahagi ng Camarines Sur
Albay
Kanlurang bahagi ng Sorsogon
Hilagang bahagi ng mainland Masbate (kasama ang Ticao Island)
Natitirang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
Rizal
Natitirang bahagi ng Laguna
Metro Manila
Katimugang bahagi ng Bulacan
Katimugang bahagi ng Pampanga
Bataan
Natitirang bahagi ng Romblon
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
Calamian Islands
Dulong hilagang bahagi ng Antique

SIGNAL NUMBER 1:
Natitirang bahagi ng Sorsogon
Natitirang bahagi ng Masbate
Katimugang bahagi ng Aurora
Katimugang bahagi ng Nueva Ecija
Katimugang bahagi ng Tarlac
Natitirang bahagi ng Bulacan
Natitirang bahagi ng Pampanga
Gitna at Katimugang bahagi ng Zambales
Hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Cuyo Islands)
Natitirang hilagang bahagi ng Antique
Aklan
Capiz
Hilagang bahagi ng Iloilo
Hilagang bahagi ng Samar
Kanlurang bahagi ng Northern Samar
Kanlurang bahagi ng Northern Samar

Ayon sa DOST-PAGASA, susunod na magla-landfall ang bagyo sa Torrijos, Marinduque.

Inaasahang tatawid ang bagyo sa Katimugang Luzon ngayong umaga hanggang hapon hanggang sa mag-landfall ulit ito sa Oriental Mindoro.

Mananatili ito sa Typhoon Category hanggang sa makalabas ito sa West Philippine Sea.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng umaga o hapon.

Mataas pa rin ang tiyansang lumakas pa ang bagyo.

Magdadala ang bagyo ng katamdaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, CALABARZON, Aurora, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, northern Palawan including Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Capiz at Antique.

ANg tail-end ng isang frontal system ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Ang dalawang weather systems ang magdadala ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga, at natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.

Facebook Comments