Palasyo, hiniling na magkaroon ng malakas na pangangatawan si VP Robredo

298

“We wish her good health.”

Iyan ang maiksing tugon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos malamang sumasailalim ngayon si Vice President Leni Robredo sa quarantine.


Nabatid na nagkaroon ng exposure ang bise presidente sa coronavirus-positive individual noong isang linggo kung kaya’t sumusunod lamang aniya siya sa quarantine process.

Lahat ng pulong ngayon ng bise presidente ay ginagawa online dahil bawal muna itong lumabas at makihalubilo hangga’t hindi pa lumalabas na negatibo ang resulta ng kanyang swab test.

Facebook Comments