Limang beses nang nag-landfall ang Typhoon Quinta sa bansa matapos itong tumawid sa bahagi ng katimugang Marinduque.
Ang pinakabago ay tumama ang bagyo sa sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro.
Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Socorro, Oriental Mindoro
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers per hour pero lumakas ang pagbugso nito na nasa 180 km/hr.
Bumagal ito sa 25 km/hr at tinatahak ang direksyong pakanluran.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod na lugar:
SIGNAL NUMBER 3:
• Katimugang bahagi ng Quezon
• Katimugang bahagi ng Batangas
• Hilagang bahag ng Romblon
• Marinduque
• Hilaga at Gitnang bahagi ng Oriental Mindoro
• Hilaga at Gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)
SIGNAL NUMBER 2:
• Camarines Norte
• Kanlurang bahagi ng Camarines Sur
• Burias Island
• Natitirang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
• Laguna
• Natitirang bahagi ng Batangas
• Cavite
• Rizal
• Metro Manila
• Katimugang bahagi ng Bulacan
• Katimugang bahagi ng Pampanga
• Bataan
• Natitirang bahagi ng Romblon
• Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
• Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
• Calamian Islands
• Dulong hilagang bahagi ng Antique
SIGNAL NUMBER 1
• Catanduanes
• Natitirang bahagi ng Camarines Sur
• Albay
• Kanlurang bahagi ng Sorsogon
• Hilagang bahagi ng mainland Masbate (kabilang ang Ticao Island)
• Katimugang bahagi ng Aurora
• Katimugang bahagi ng Nueva Ecija
• Katimugang bahagi ng Tarlac
• Natitirang bahagi ng Bulacan
• Natitirang bahagi ng Pampanga
• Gitna at Katimugang bahagi ng Zambales
• Hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Cuyo Islands)
• Natitirang hilagang bahagi ng Antique
• Aklan
• Capiz
• Hilagang bahagi ng Iloilo
Ayon sa DOST-PAGASA, ang kanyang ikalimang landfall sa Oriental Mindoro ang inaasahang huling pagtama ng bagyo sa kalupaan ng bansa.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa West Philippines Sea ngayong umaga habang sa makalabas ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
Mananatili ito sa Typhoon Category hanggang sa makatawid ito sa Mindoro Island.
Magdadala ang bagyo ng katamdaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Camarines Norte, Camarines Sur, CALABARZON, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Capiz, at Antique.
Ang tail-end ng isang frontal system ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Ang dalawang weather systems ang magdadala ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga, at natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.