Napanatili ni Bagyong Quinta ang lakas habang nasa Mindoro Strait.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 kilometro hilaga ng Coron, Palawan.
Taglay pa rin ni Quinta ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 150 kilometro kada oras.
Patuloy pa rin itong kumilikos pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
Kasunod nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod na lugar:
Signal number 3:
Hilagang kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island.
Signal number 2:
– Oriental Mindoro
– Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
– Calamian Islands
– Batangas
– At munisipalidad ng Caluya sa Antique Province
Signal number 1
– Katimugang bahagi ng Zambales
– Bataan
– Katimugang bahagi ng Pampanga
– Timog-kanlurang bahagi ng Bulacan
– Metro Manila
– Rizal
– Cavite
– Laguna
– Quezon kabilang ang Polilio Islands
– Marinduque
– Romblon
– Hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Cuyo Islands
– Aklan
– Nalalabing bahagi ng katimugan ng Antique
Patuloy ito na magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals.
Samantala, tail-end ng isang frontal system naman ang makaka-apekto sa Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Bukod sa Bagyong Quinta, isang low pressure area ang binabantayan ng PAGASA na nasa layong 1,920 kilometro silangan ng Southern Luzon at inaasahang papasok ito sa Miyerkules o Huwebes ng umaga pero maliit ang tyansa nitong maging isang Tropical Depression sa susunod na 48 oras.